Pumatay sa prosecutor ng Ombudsman naaresto na | Bandera

Pumatay sa prosecutor ng Ombudsman naaresto na

Leifbilly Begas - June 05, 2018 - 04:13 PM

NAARESTO ng pulisya ang sumaksak at nakapatay sa limang buwang buntis na prosecutor ng Ombudsman sa Quezon City.

Katatapos lamang umanong bumatak ni Angelo Avenido ng maaresto ng mga pulis sa Brgy. Culiat. Siya ay nagpositibo sa drug test.

Si Avenido ang itinuturong pumatay kay assistant special prosecutor Madonna Joy Tanyag na nanlaban umano ng kanyang holdapin. Nasa loob na ng sasakyan ang biktima ng pagsasaksakin ng suspek.

Nakuha sa pouch ng suspek ang mga ID ng biktima.

Galing ang biktima sa isang bilihan ng milk tea sa Visayas Ave., Brgy. Vasra at pabalik na sana sa opisina ng maganap ang insidente.

Nakuhanan ng CCTV ang pangyayari kaya madaling nakilala ang suspek.

Nabatid na ang suspek ay dati ng nasangkot sa pananaksak sa General Santos City. Bumalik siya sa Maynila noong Marso 30.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending