Away ng AlDub fans wa epek sa relasyon nina Maine at Alden
Nayanig na naman ang Broadway Centrum studios sa tilian, hiyawan at sigawan nang piliin ni Maine Mendoza si Alden Richards para makasama sa Eat Bulaga segment na “Guhit Bulaga” last Saturday.
Eh, sa episode na ‘yon, nag-ala-Zac Efron si Alden kaya nang sabihin ni Meng na si “Zac” ang pinili niya, non-stop ang tilian ng Dabarkads sa studio lalo na nu’ng magdikit na silang dalawa, huh!
Eh, wala naman kasing isyu kina Alden at Maine kaya wala ring dahilan upang magbangayan ang kani-kaniyang grupo ng fan clubs, huh! Magkanya-kanya man sila ng landas sa ginagawang projects, darating din ang tamang panahon upang muli silang isalang nang magkasama sa isang proyekto.
Kesa kumuda nang kumuda sa social media, wag lang sa Twitter asna ipamalas ng AlDub Nation ang bagsik nila kungdi maging sa telebisyon, especially kapag nagsimula na ang seryeng Victor Magtanggol ni Alden, at sa pagsasamahang pelikula muli ng AlDub.
q q q
Dawit ang manager ni Atom Araullo na si Noel Ferrer, sa huling hirit ni direk Mike de Leon, ang dierktor ng pelikulang “Citizen Jake.”
“May we never cross each others path again, not here, nor in the afterlife. Nut (But) wait, we both don’t believe in that, so never. – your director and creator of Citizen Jake, Mike de Leon. Btw, get rid of your manager, he’s a bad news,” ang matapang na Facebook post ng direktor.
Dedma lang si Noel sa pagdawit sa kanya ni direk Mike. Sa halip kasing sumagot, nagpadala siya ng e-mail para magbigay ng update sa 2018 MMFF tungkol sa 24 scripts na isinumite ng mga producer.
Ayon kay Ferrer, sa June 9, ang announcement sa apat na official entries base sa script at ang next four ay mula sa finished films na ang deadline ay sa Sept. 21 naman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.