TNT KaTropa nakisalo sa liderato | Bandera

TNT KaTropa nakisalo sa liderato

Angelito Oredo - June 03, 2018 - 10:30 PM


Mga Laro sa Miyerkules
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. Magnolia vs Blackwater
6:45 p.m. San Miguel Beer vs Columbian
NAKISALO sa liderato ang TNT KaTropa bagaman kinailangan muna nitong lampasan ang matinding hamon ng NLEX Road Warriors, 117-106, sa 2018 PBA Commissioner’s Cup Linggo sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Agad na ibinuhos ng KaTropa ang kanilang lakas sa unang yugto pa lamang sa pagtala ng pinakamataas na iskor na 45 puntos sa isang yugto lamang kontra sa nagpipilit manatiling buhay ang tsansa sa susunod na labanan na Road Warriors na nagtala ng 30 puntos.

Nagawa pa itaas ng KaTropa sa pinakamataas na 21 puntos ang kalamangan nito sa ikalawang yugto bago lamang ito nalimitahan sa 18 puntos matapos na umarangkada ang Road Warriors upang maihulog ang 25 puntos para idikit ang labanan sa pagtatapos ng first half sa 63-56.

Ilang beses na nagtangka ang Road Warriors na makaahon kung saan una nitong nagawang dumikit mula sa layup ni Larry Fonacier para sa 72-74 iskor sa ikatlong yugto at pinakahuli sa 104-108 mula sa isang tres ni Alex Mallar, may 3:49 pa sa laro.

Gayunman, nagtulung-tulong sina Terrence Romeo, import James Smith at Jayson Castro sa paghulog ng 11-0 bomba habang pinigilan ang lahat ng tangka ng kalaban tungo sa pagsungkit sa ikaanim nitong panalo sa loob ng pitong laro at masiguro ang isang slot para sa playoffs.

Nagtala si Smith ng 24 puntos, 13 rebound at 5 assist habang nag-ambag si Anthony Semerad ng 22 puntos para sa TNT. Tumulong din si Romeo na may 19 puntos at 8 assist habang si Castro ay mayroon naman 10 puntos, 6 rebound at 7 assist.

Nahulog naman ang Road Warriors sa ikalima nitong kabiguan sa loob ng pitong laro.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending