NIYANIG ng magnitude 4.5 lindol ang Davao Occidental ngayong hapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-2:26 ng hapon.
Ang sentro ng lindol ay 210 kilometro sa silangan ng Saranggani. May lalim itong isang kilometro at sanhi ng paggalaw sa tectonic plate sa lugar.
Walang inaasahang pinsala at aftershock ang pagyanig na ito na nangyari sa dagat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending