INAASAHAN ang pag-ulan bukas —ang unang araw ng pasukan para sa School Year 2018-19.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration posibleng maging bagyo ang binabantayan nitong low pressure area at tatawagin itong Domeng.
Ngayong araw, ang LPA ay nasa layong 495 kilometro sa silangan ng Surigao City.
“This weather disturbance and the Intertropical Convergence Zone will bring occasional moderate to heavy rainshowers and thunderstorms over the regions of Caraga, Davao and Eastern Visayas,” saad ng advisory ng PAGASA. “The LPA may develop into a tropical depression within the next 24 to 48 hours.”
Ang Metro Manila naman ay makararanas ng maalinsangang panahon at posibleng pag-ulan kapag hapon o gabi.
Ang isa pang LPA na binabantayan ng PAGASA ay naging bagyo na subalit lumabas na ng Philippine Area of Responsibility.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.