IBA rin ang determinasyon ni Miguel Tanfelix, ha! Sa halip kasi na matakot sa recent post ng kanyang co-star sa Kambal, Karibal na si Marvin Agustin sa Instagram, tila mas ginanahan pa siyang magtrabaho.
Nag-post kasi sa IG si Marvin ng mga litrato nila sa Kambal, Karibal at sinabing naghahanap pa siya ng paraan para mas pahirapan ang mga karakter nina Miguel bilang si Diego (Miguel), Crisan (Bianca Umali), Cheska (Kyline Alcantara) at Crisel (Pauline Mendoza).
Ani Miguel, kinilig siya sa mensaheng ito ni Marvin sa kanila dahil alam niyang test ito para mas paghusayan pa nila ang kanilang pag-arte.
Speaking of pag-arte, pi-nupuri ngayon ng manonood si Miguel dahil sa nakakabilib niyang
akting sa isa sa mga eksena sa Kambal, Karibal. Para sa Kapuso actor, masaya siya dahil naaappreciate ng fans ang kanyang effort para gampanan ang karakter ni Diego kaya naman taos-puso siyang nagpapasalamat sa mga ito.
Dagdag niya, dapat daw mas pakatutukan ang Kambal, Karibal dahil sa mas marami pang kapana-panabik na mga eksena na masasaksihan sa Kapuso primetime soap.
q q q
Trending naman sa Twitter ang makapigil-hiningang ha-bulan nina Cheska at Nori sa simbahan sa episode ng Kambal, Karibal last Friday. Nagkasagupaan sila dahil isisiwalat na ni Nori kay Crisan ang pinakatagu-tagong sikreto ni Cheska.
First gap pa lang ay intense na agad ang mga eksena kaya hindi bumitiw ang mga netizens sa pag-tu-tweet ng kanilang mga sentimiyento.
Habang umeere ang nasabing episode, nag-top trending topic sa Twitter ang #KKPeligro kasabay ng sandamakmak na positibong komento mula sa netizens.
Ang mga gumaganap sa karakter nina Cheska at Nori na sina Kyline at Chesca Salcedo ay friends naman sa tunay na buhay kaya wala raw dapat ipag-alala ang mga viewers.
Nag-post pa nga si Kyline ng photo nila ni Chesca sa IG na may caption na, “Umawraaa.. si #nori at #chesca #KambalKaribal? hihihi cute mo kyyyyy!”
Huwag palampasin ang mga tumitinding tagpo sa Kambal, Karibal, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng The Cure sa GMA Telebabad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.