Gretchen nagluto ng pancit canton sa P17K halaga na kaldero
PINAG-USAPAN ang pagluluto ni Gretchen Barretto ng pancit canton.
But more than that, mas umingay ang usapan because she used a “cookware worth US$330 or, in today’s exchange rate, PHP17,330” as claimed by an online portal.
With that, marami ang nag-react.
“Pagluluto, paglalaba, paglilinis ng bahay ng mga artista ipinaaalam pa sa social media bakit hindi ba normal na tao ang mga yan para hindi gawin ang mga basic house hold chores?” wailed one basher.
“Not interesting. Daming hindi kumakain na mga Pinoy buti pa mag-donate man lang sila sa mahihirap at baka matuwa pa mga tao sa kanya tutal super yaman sila. Hindi naman nadadala kayamanan pag nategi. Share your blessings man lang,” say ng isang fan na nasa bundok yata at hindi alam ang wish-granting na ginagawa ni La Greta kasama ang ilang kaibigan.
“Luto lang bakit kailangan pang sabihin kung ano ang nilutuan at kung magkano ang presyo.
Ano ba naman kulang na lang pati pagtae nang mga artista ibalita nyo pa,” say ng isa pang basher who obviously don’t know the value of the report.
Not everybody cooks on a P17,000 worth cookware which makes it newsworthy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.