AlDub fans kinontra ang pagsasama nina Maine at Ai Ai sa movie, mas boto kay Maricel
HINDI nagustuhan ng fans ni Maine Something ang aria ni Lolit Solis na isama ang dalaga sa isang movie with Ai Ai delas Alas.
“Cute naman na kasama namin sa Coffee Project sila Ai Ai delas Alas at Rams David na panay ang tukso ko na mga ‘manager of the year.’ Bongga ‘di ba Jojo na ang Ex Batallion ni AiAi malapit nang gumawa ng movie, at sabi ni Rams bago matapos ang taong ito may isang gagawin project si Maine Mendoza na dasal ng mga fans niya iyon isama siya sa filmfest project nila Bossing Vic Sotto at Coco Martin.
“Pero ang nakakatawa, bigla naisip ni Rams bakit hindi gumawa ng project sila AiAi at Maine? Basta ako, sa experience ko at tagal sa showbiz paniwalaan n’yo ako, buhay na buhay ang career nila Alden Richards at Maine Mendoza.
“Kung narinig n’yo lang na pati iyon pelikula mala-Taken na gusto ko na pagsamahan nila Bong at Maine ay napag-usapan na rin. Happy days are here again. Go go Rams and AiAi, mga new breed of managers, hahahaha!”
That was Lolit’s caption sa photo niya with Ai Ai and Rams Something. Kaya lang, inalmahan ito ng fans ni Maine.
“Sus AlDub movie nga isang taon na yatang mahigit yung script kuno. LOL! Puro paasa kaya nababash eh.”
“Maine and Maricel Soriano is a big yes pero pag Maine and Ai Ai big no ako dyan.”
“Parang mas maganda sa si Ms Ai Ai yung nababalita na lang na si Ms Maricel Soriano, since nakasama naman na ni Maine si Ms AiAi sa movie dati.”
“I agree. No offense meant kay Ai Ai lipas na ang panahon nya. Puro flop na ang mga past movies niya. Baka madamay pa si Maine sa kanya. Mas ok kung si Ms. Maricel na lang. Mas nakakatuwa at mas swak ang personalities nila.”
“Baka naman pwedeng ituloy na nila ang AlDub 2nd movie! Pangako nila ‘yan sa AD Nation. Sana kahit isang isa na lang. We still believe na mas magiging blockbuster pa rin ang AlDub movie kesa sa isama sila sa ibang celeb!”
“Since last year pa yang press release na yan about AD movie. Akala siguro madaling maniwala yung fans. FYI wala na kayong credibility. Hindi po lahat tanga!”
Actually, kaya naba-bash ang manager ni Maine ay dahil marami ang umaasa sa follow-up movie nina Maine at Alden. Ang press release kasi ng GMA 7, kaya pinutol last year ang kanilang non-rating teleserye ay dahil gagawa sila ng movie.
Isang taon na ang nakalipas pero wala pa rin ang much-awaited movie nila kaya naman hindi sila tinatantanan ng AlDub fans.
Talagang lait ang inaabot nila mula sa fandoms ng dalawa na hindi rin naman natin masisisi dahil hindi nila tinupad ang kanilang pangakong movie sa dalawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.