MULING pinag-usapan si Miguel Tanfelix dahil sa ipinamalas niyang akting bilang Diego sa hit teleseryeng Kambal, Karibal. Marami ang naantig sa eksena ni Miguel kung saan nagkalamat ang kanilang relasyon ni Crisan (Bianca Umali) dahil nalaman nito na tinatago ni Diego ang kalaban nilang si Raymond (Marvin Agustin).
Ayon sa mga netizens talagang level up na si Miguel sa pag-arte kaya hindi imposibleng makakuha siya ng acting award.
Samantala, nagsasaya naman ngayon si Black Lady dahil tuluyan nang nawala ang magandang relasyon ni Crisan kay Diego matapos mamaalam ni Makoy (Jeric Gonzales). Lalo pang titindi ang kalbaryo ni Crisan dahil magbabalik si Raymond para manggulo at maghiganti?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.