Michael de Mesa 2 dekada na nakipaglaban sa Hepa C: I’m cured, praise God!
GOODBYE hepa-C na ang award-winning veteran actor na si Michael de Mesa.
Ito ang ibinalita niya sa kanyang mga katrabaho at kaibigan sa pamamagitan ng kanyang Instagram account nitong weekend.
Ayon sa aktor, “completely healed” na ang sakit niyang Hepatitis C matapos ma-diagnose noon pang 1999. Mula raw noon ay hindi na sila tumigil ng kanyang asawang si Julie sa paghahanap na gamot sa kanyang karamdaman.
Ayon kay Michael, four years ago napakamahal daw ng gamot para sa Hepatitis C, ang Harvoni pill na kailangan niyang inumin ay nagkakahalaga ng $1,000 and he also needs to undergo a 12-week treatment, na aabot sa $90,000.
Salamat daw talaga sa Diyos dahil nakahanap sila ng generic version ng nasabing gamot sa India at sa halagang $1,000 ay nakumpleto niya ang 12 linggong gamutan.
Bukod dito nakilala rin nila ang isang Australian na nagtatag ng “Hep C Buyers Club” na talagang tumutulong sa mga He-patitis C patients. Isa ring Hepa C survivor ang nasabing foreigner.
“Before treatment, My viral count was in the millions. 35 Million to be exact! After just 4 weeks into the treatment, my viral count went down to 1,200! Anything below 2,000 is actually considered undetected already.
“By the end of the treatment, it was zero, zilch, nada, UNDETECTED! Got retested this week after 3 months post treatment just for good measure, and it’s still undetec-ted,” ang caption ni Michael sa kanyang IG post.
Dugtong pa niya, “On my birthday today, I want to thank the Lord for a-nother year of life. I also want to thank Him for bringing Julie into my life, making her His instrument, so that I can enjoy many more years with my loved ones.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.