Palpak na ‘Dalian trains’ ng MRT3, isosoli ba ng DOTr? | Bandera

Palpak na ‘Dalian trains’ ng MRT3, isosoli ba ng DOTr?

Jake Maderazo - May 28, 2018 - 12:15 AM

OPISYAL nang idineklara ng mga Japanese at German e-ngineers sa Department of Transportation na sobrang dami ng depekto ng biniling 48 train coaches ng PNoy administration noong 2013 sa Dalian Locomotive and Rolling Stock Company ng China na nagkakahalaga ng P3.5 bilyon kung saan may “15% advance payment” ang gobyerno na P565 milyon.
Sabi ng Japanese e-ngineers sa kanilang report nitong Abril, dapat ibalik ang mga tren sa Dalian at magsimula sa “fabrication” lalo’t napakaraming seryosong design flops, tulad ng “overweight at “wrong sized”.
Halos pareho rin ang findings ng German company na TUV Rhineland na naunang kinuha ng DOTR nitong Pebrero.
Ayon sa kanila, maraming problema sa safety at performance ng Dalian trains dahil na rin sa maling disensyo.
Ngayon, ang parehong rekomendasyon ay nasa opisina ni Transportation Sec. Arthur Tugade na magpapasya kung susundin ang mga rekomendasyon ng audit groups at ibalik ang 48 depektibong Dalian trains sa China.
On the record, hindi lang tayo ang magsosoli ng mga tren sa Dalian, ang Hong Kong, Singapore at Pakistan ay nagsoli matapos pumalpak ang mga tren sa kanila.
Pero, rito sa atin naghahabol ng bayad ngayon ang Dalian at may pressure din ang mga Chinese officials kay Tugade na bayaran ng DOTr ang balanseng higit P3.3bilyon ng P3.85bilyon fabrication project na inaprubahan nina PNoy at noo’y Transportation Sec Joseph Abaya na dineliber noong 2016 at di napapakinabangan.
Hindi ba kakasuhan ni Tugade sina Abaya, Pnoy, mga DOTC usecs, na nasa likod ng palpak na transaksyong ito? Naalala n’yo ba ang alegasyon ni dating MRT general manager Al Bitangcol noong 2015 na nagkaroon ng 5% kickback dito ang mga da-ting DOTC officers na P190 milyon.
Ngayong napatunayan ng mga independent audit groups ang kapalpakan ng Dalian trains, hindi ba’t tama lang na may kasuhan dito? Hindi ba dapat ding huwag bayaran ang Dalian at ibalik sa kanila ang 48 depektibong tren?
Nahihiya ba si Tugade sa China at hindi makapagdesisyon sa interes ng taumbayan ga-yong common sense lamang ito sa naagrabyadong Pilipinas?
Ang huling nabalitaan ko, ito raw DOTr at JICA ay nagkasundo noong May 15 sa “43-month rehabilitation and maintenance of MRT-3” kung saan ibabalik ito sa “original design condition and capacity”, kung saan may 31 buwan para ayusin ito at 12 buwan naman para “defect liability period”.
Ang halaga ng DOTR-JICA project ay P16.98 bilyon o halos P17-bilyon na ang gagastos ay pautang mula sa Japanese go-vernment. Noong Oktubre 2017, may alok ang Metro Pacific group-LRMC na P20-B para sa MRT.
Nobyembre din nang mag-alok ang MRTC-Sumitomo, orihinal na may-ari ng MRT3 hanggang taong 2025, sa pagggastos ng P7.5 bilyon para rin sa rehab at maintenance nito. Mga P20 bilyon, P7.5 bilyon at P17 bil-yon utang ang naglalarong numero rito.
At dahil dito, napakaraming katanu-ngan kay Tugade ang naghihintay ng mga sagot: Bakit doble ang inaprubahang halos P17-bilyon ng DOTR-JICA sa P7.5bilyon ng MRTC-Sumitomo? Akala ko ba ay nagtitipid tayo? Bakit mas pinaboran ang mas malaking uutangin kaysa sa mas mura pero mas subok at may karanasan nang MRTC-Sumitomo?
Mr. Secretary Tugade, pakibura naman ang masasama naming hinala sa transaksyong ito sa MRT3 na milyun-milyong Pilipino ang nakikinabang araw-araw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending