Agot vs Mocha sa Eleksyon 2019: Sinong iboboto mo?
SA DARATING na October ang alam naming buwan kung kailan dapat magpa-file ng COC (certificate of candidacy) ang mga nagbabalak tumakbo sa idaraos na mid-term elections sa susunod na taon.
No wonder, this early ay may pagkilos na ang mga partido para buuin ang kanilang tiket. One such party gearing up in prep for the 2019 polls is the Liberal Party.
Partikular na ikinukunsi-dera ni Sen. Kiko Pangilinan si Agot Isidro. Sinasabing ito raw ang pantapat ng kanilang partido kay Mocha Uson na mula naman sa kabilang hanay.
Needless to say, kapwa taga-showbiz sina Agot at Mocha, magkaiba nga lang ng larangan.
Before Kiko began consi-dering names for their senatorial slate ay nauna nang lumutang ang balitang inaambisyon ni Mocha ang Senado. Ito rin kasi ang public clamor sa kanya.
Ewan if Kiko’s wanting to get Agot ay bunsod ng hakbang ni Mocha, na mukhang hanggang ngayon is still vascillating between running and not at all.
Kung si Agot ang tatanungin, nagpahayag na siyang she’d give it a serious thought. Puweng oo, puwede ring hindi. But known for her anti-Duterte stance—and for her image as one who speaks her mind—Agot isn’t a bad choice, after all.
Kung kapwa sigurado na sina Agot at Mocha sa kanilang pagtakbo—regardless if they have what it takes to be a lawmaker—ay nakikinita na namin what a typical campaign sortie will be like.
Before a huge crowd of people bracing themselves for a litany of empty promises, magsisilbing entertainment segment ang pagpapaunlak ng awitin ni Agot at one rally, at ang todo-bigay nap ag-indak ni Mocha sa kabila.
When it will be their turn to speak ay madali ring hulaan how Agot and Mocha will carry themselves.
Ewan kung may kinalaman na rito ang kani-kanilang academic background as to how they can pull through.
Bemedaled si Agot (gumradweyt with honors in her major course, may com arts degree pa to boot from UP), medical course naman ang tinapos ni Mocha mula sa UST. That’s going to be “UAAP” in a non-sports competition!
Teka, maitanong lang kay Sen. Kiko: hindi ba sumagi sa isip ng kanilang partido si Jim Paredes, dating taga-Apo Hi-king Society na isa ring marubdob na anti-Duterte? Or one singer at their rally is enough?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.