Young actor gwapo nga wala namang kwentang umarte | Bandera

Young actor gwapo nga wala namang kwentang umarte

Cristy Fermin |May 22,2018
facebook
share this

Young actor gwapo nga wala namang kwentang umarte

Cristy Fermin - May 22, 2018 - 12:15 AM


KUNG gustong magtagal ng isang guwapong young actor sa pag-aartista ay kailangan niyang mag-aral umarte. Guwapo ang batang aktor, malakas ang kanyang karisma, pero kalat na kalat na ang pagiging ham actor niya.

Sa paglalarawan sa kanya ay sinabi ng isang source na kasama niya sa proyekto, “Kung girl ang direktor, e, siguradong rereglahin nang wala sa panahon.”

Ganu’n nga katindi ang kuwento, nakakailang takes siya bago makumpleto ang isang eksena, dahil bukod sa nabubulol na siya sa pagdadayalog ay walang katorya-torya ang kanyang pag-arte.

Sabi ng isang impormante, “Kung kaguwapuhan ang pag-uusapan, e, bulag na lang ang magsasabing wala siyang itsura. Guwapo siya talaga. Pero pagdating sa pag-arte, e, bulag lang din ang magsasabing marunong siya.

“Naiinip na ang director niya, naiinip na rin ang mga kaeksena niya, kasi nga, paulit-ulit ang take niya sa isang napakasimple lang namang eksena!

“Simple lang ‘yun, ha? Paano pa kung matitinding scenes na ang ibigay sa kanya? E, di lalo na? Baka sa location na sila tumira?” napapailing na kuwento ng isang source.

May kakaibang attitude rin kuno ang guwapong young actor, may sumpong na siya ngayon pa lang, may kasupladuhan siya ayon sa mga madalas niyang nakakasama sa trabaho.

“Meron na, medyo pumapasok na sa ulo niya ang popularity na natitikman niya ngayon. Nakikita kasi siya nang madalas sa TV, nabibigyan ng exposure , kaya ang akala niya siguro, e, ‘yun na ‘yun! Puwede na siyang magsuplado.

“Nakakahilo kasi ang mga sigaw, kapag ganu’n ang tinatanggap ng personality, akala niya, e, made na siya. Made na ba siya, e, hindi nga siya marunong umarte?

“Umasta siyang ganu’n kung meron na siyang maipagmamalaki. Habang wala pa, e, chillax lang muna siya, wait lang siya sa tamang panahon. Sabi nga ng mga milenyal, #chillang,” pagtatapong ng aming source.

Getlak n’yo na kung sino siya, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio? Gusto n’yong kumain ng flakes?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending