Super Tekla 'nanigas' sa concert; Donita Nose nagpakita ng boobs | Bandera

Super Tekla ‘nanigas’ sa concert; Donita Nose nagpakita ng boobs

|May 22,2018
facebook
share this

Super Tekla ‘nanigas’ sa concert; Donita Nose nagpakita ng boobs

- May 22, 2018 - 12:35 AM


PINULIKAT ang komedyanteng si Super Tekla habang nagpe-perform on stage with Donita Nose sa “Oh, Boy, Oh LOL!” concert last Friday. Nanigas ang binti at hita niya at agad na kumapit sa bakal ng naka-set-up na stage sa Music Museum.

Akala ni Donita ay bahagi pa rin nang pagpapatawa ni Tekla ang pagsakit ng kaliwang binti. Pero nu’ng napansin ni Donita na seryoso ang pagdaing ng ka-partner at nakitang pinagpapawisan na ito nang husto, agad na nilang tinapos ang kanilang portion.

Pero gaya ng kasabihan sa showbiz, “the show must go on”. Muling bumalik si Tekla sa stage para sa iba pa niyang production number.

After the concert, nagkaroon kami ng chance na tanungin si Tekla kung ano talaga nangyari. Hindi naman daw siya masyadong stress sa show at ‘di rin pagod. Nagkaton lang na sobra ang energy na ibinigay niya sa palitan nila ng joke at “harutan” ni Donita na naging dahilan nang paninigas ng kanyang binti.

Super happy naman ang mga nanood ng “Oh Boy, Oh LOL!” dahil ‘di sila binigo ng Kapuso male stars na sina Rocco Nacino, Dave Bornea, Jak Roberto at Derrick Monasterio sa inaasahan nilang pagpapaseksi sa concert.

Opening number pa lang ay nagpakita na ng kanilang muscles at abs ang apat na hunk actors. Hindi naman nagpakabog si Donita Nose dahil walang takot din niyang ipinakita ang kanyang “boobs.”

Say ng katabi namin sa audience, kinabog ni Donita ang lahat ng LGBT performers. Siya pa lang daw ang naglakas-loob na ipakita ang kanyang “boobs” sa harap ng maraming tao.

Kinilig naman ang fans ni Jak nu’ng i-acknowledge niya ang presence ng kanyang girlfriend si Barbie Forteza na nakaupo sa harap ng stage. Hindi naman namin nakita kung nandoon din ang athlete-girlfriend ni Rocco na si Melissa Gohing.

Or baka hindi na talaga nanood si Melissa para ‘di ma-shock sa mga gagawin ng boyfriend niya on stage at ‘di rin maging ugat ng selos on her part. Mukhang may pagkaselosa kasi si Melissa. Kamakailan ay nabalitan namin na inun-follow ni Rocco si Sanya Lopez sa kanyang Instagram dahil daw kay Melissa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending