Digong sinibak ang isa pang Assistant Secretary | Bandera

Digong sinibak ang isa pang Assistant Secretary

- May 21, 2018 - 04:05 PM

INIHAYAG ng Palasyo ang pagsibak ni Pangulong Duterte kay Transportation Assistant Secretary Mark Tolentino dahil sa pakikipag-usap sa kapatid niyang babae na humingi ng pabor.

“Inaanunsyo po naming na sinibak na sa puwesto ng ating Presidente si Assistant Secretary Mark Tolentino ng Department of Transportation. Ang kasalanan po ni Asec Tolentino, siya po ay nakipag-usap sa isang kamag-anak ng Presidente,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Idinagdag ni Roque na maliwanag ang atas ni Duterte sa lahat ng taong gobyerno na bawal na payagang mag-lobby ang kanyang mga kamag-anak.

“Ang order po ng Presidente sa lahat ng taong gobyerno, huwag nyo pong kakausapin ang kahit sinong kamag-anak nya na meron pong gustong anong kontrata or appointment sa gobyerno,” dagdag ni Roque.

Idinagdag ni Roque na dapat magsilbing babala ito sa ibang opisyal at kawani ng gobyerno.

“Kapag kinausap nyo po ang kahit sinong kamag-anak ng Presidente, basehan na po iyan para kayo ay sibakin. Itong pagsibak po kay Assistant Secretary Mark Tolentino, magsilbing halimbawa po, kapag sinabi ni Presidente na wag nyong kausapin ang kamag-anak at kaibigan, wag na wag nyong kakausapin, sabi pa ni Roque.

Hindi binanggit ni Roque kung sinong kapamilya ang tinutukoy niyang lumapit kay Tolentino, bagamat sinabing kapatid na babae ito ni Duterte.

“Di ko na pa alam kung sino, apparently it is a presidential sister. So, ang mensahe po, seryoso ang Presidente. Do no even talk to them about any matters concerning government you will get sacked if you do,” sabi ni Roque.

Sinabi pa ni Roque na nakatakdang isapubliko ngayong araw kng Palasyo ang resignation letter ng isa pang opisyal na ipinasisibak ni Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending