Corruption sa paligid ni Digong | Bandera

Corruption sa paligid ni Digong

Jake Maderazo - May 21, 2018 - 12:10 AM

DALAWA pang Cabinet members ang sisibakin daw ni Pangulong Duterte.

Kamakailan, tinanggal niya si Tourism secretary Wanda Tulfo Teo at nagkataong nag-resign naman ang isang undersecretary ng PCOO na si Noel Puyat.

Ngayon, matindi ang hulaan kung sino ang dalawang susunod na masisibak.

Nitong Miyerkules sa pagbisita sa Malacanang ni Papua New Guinea PM Peter O’Neill, hindi kinamayan ni Duterte ang isang Cabinet member na dati’y malapit sa kanya. Meron ding report na binulyawan ng pangulo si Cabinet member kung alam ba nito ang nangyayari sa kanyang opisina.

Kayat walang ginawa ito ngayon kundi dumikit sa mga “close-in” ni Presidente para hindi tuluyang masibak.

Nauna nang sinibak sina DILG sec. Ismael Sueno (firetrucks deal), DICT sec. Ramon Salalima (Facebook undersea cable proposal), Justice Sec. Vitaliano Aguirre (dismissal ng drug charges nina Peter Lim at Kerwin Espinosa), Tourism Sec. Wanda Tulfo-Teo (P60M DOT Bitag sponsorship deal-P80M Buhay Carinderia).

Na-bypass naman ng Commission on Appointments sina DFA Sec. Perfecto Yasay (US passport holder), DENR Sec Gina Lopez (kontra mining), DSWD Sec. Judy Taguiwalo (kontra pork barrel) at DAR sec. Rafael Mariano (anti-landlord) samantalang inilipat si Presidential spokesperson Ernesto Abella bilang undersecretary ng DFA.

Nasibak din si Ret. Gen. Dionisio Santiago, chair ng Dangerous Drugs board (sobrang foreign trips at kontra sa Nueva Ecija drug rehab). Maging ang buong Presidential Commission on Urban Poor na si chair Terry Ridon (sobrang biyahe) at apat na commissioners, sibak din.

Sumunod ang malapit na kaibigan at campaign spokesperson ni Duterte na si Peter Tiu Laviña, Administator ng National Irrigation Authority (nanghihingi raw ng 40% kickback sa mga kontrata).

Marami pang sinibak ang pangulo.

Ngayon ay may pinakahuling direktiba ang pangulo sa bagong talagang Tourism secretary na si Berna Romulo Puyat na bahala na siya sa revamp ng kanyang tanggapan.

Dahil dito, iniutos ni Puyat ang “courtesy resignations” ng apat na undersecretaries, limang assistant secretaries. At lima na rito ang nag-comply.

Kung susuriin, talagang maraming dapat ipaliwanag ang DOT partikular sa tinatawag nilang “financial sponsorships”.

Isipin ninyo, P80 milyon ang ibinayad sa socialite na si Linda Legaspi ng Marylindbert group kahit hindi pa nagsisimula ang “Karinderia program”. Sa Expose ni columnist Boo Chanco, Marso 20 ang notarized contract, at magbabayad ng apat na hulog na P12 milyon, P28 milyon, P32 milyon at P8 milyon.

Pero mas bumilis ang bayaran, P13.44 milyon (March 19), P31.36 milyon (March 20) at P35.84 milyon (April 17). At sa loob lamang ng isang buwan, P80 milyon ang ginastos ng DOT-TPB bilang “financial sponsorship” sa dating “Carinderia fiesta” na ni-relaunch noong April 11, 2017 bilang “Buhay Carinderia Redefined”.

Talagang maraming kwestyon. Nasilip ko rin ang iba pang “financial sponsorships” ng DOT-TPB sa taong 2016 at 2017. Napakaraming nakinabang dito, Samahang basketbolista (SBP)-P3 milyon, PHILTOA P2.5 milyon, Phil Taekwondo P5 milyon at napakarami pang tig P4.2 milyon, P3 milyon at iba pa. Kahit ang National Association of Travel Agencies ni Dot Sec. Wanda Teo ay nakakuha rin ng halos P2 milyon. (Conflict of interest?) Nararamdaman ko ang sakit ng ulo ni Duterte sa nagaganap na “corruption” sa kanya mismong Gabinete.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sila pa naman ang malakas ang sigaw noong kampanya na wakasan na ang katiwalian. Tapos nang mapwesto ay yun din pala ang gagawin. Nakakahiya!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending