Matteo rumesbak sa mga nagkukumpara kina Lakam at Thor | Bandera

Matteo rumesbak sa mga nagkukumpara kina Lakam at Thor

|May 21,2018
facebook
share this

Matteo rumesbak sa mga nagkukumpara kina Lakam at Thor

- May 21, 2018 - 12:30 AM

MATTEO GUIDICELLI

IPINAGTANGGOL ng mga netizens si Matteo Guidicelli laban sa mga haters na walang ginawa kundi manglait at mangnega sa Primetime Bida series na Bagani ng ABS-CBN.

Ayon sa ilang LizQuen fans, isa si Matteo na gumaganap na Lakam sa Bagani ang inaabangan ng mga manonood. Nabibigyan daw nito ng hustisya ang bawat maaaksyon at madadramang eksenang ginagawa niya sa serye.

Bukod daw siyempre kina Enrique Gil at Liza Soberano bilang sina Lakas at Ganda, napakalaki rin ng ginagampanang papel ni Matteo sa Bagani bilang bida-kontrabida. In fairness, talagang effort kung effort ang binata para lang maibigay ang tamang atake sa kanyang role.

Sinagot din ng mga followers ni Matteo ang mga nagsasabing trying hard daw magpaka-Thor ang karakter ni Lakam. Ayon sa isang Bagani loyalist, “May hammer axe lang Thor na? Sya lang ba may karapatang humawak ng axe? Kaloka! Mema lang talaga. Wag epal pare pareho tayong Pinoy at meron ding hammer dito sa Pilipinas!”

Nauna na itong pinalagan ni Matteo, sabi niya sa basher, “He is not trying to be like Thor…he is LAKAM. Period.”

Sa tumatakbong kuwento ng Bagani mukhang mas matitindi pang pagsubok at pakikipaglaban ang haharapin nina Lakas, Ganda at Lakam, pati na rin ng iba pang bagani tulad nina Liksi (Zaijian Jaranilla) at Dumakulem (Makisig Morales).

Kasama pa rin sa Bagani sina Raymond Bagatsing, Kristine Hermosa, Ryan Eigenmann, Aiko Melendez, Dimples Romana, Rayver Cruz at marami pang iba, sa direksyon nina Richard Arellano, Lester Pimentel at Raz dela Torre mula sa Star Creatives.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending