Wish nina Julia at Joshua na magbakasyon sa New York tutuparin ni Kris kapag…
MAY promise si Kris Aquino kina Julia Barretto at Joshua Garcia: kapag naging blockbuster ang pelikula nilang “I Love You Hater” tutuparin niya ang isa sa mga matagal nang pangarap ng magka-loveteam.
Ayon kay Tetay nalaman niya na gustung-gustong magbakasyon ng dalawang bagets sa New York na magkasama kaya naman nagbitiw siya ng pangako sa mga ito during the photo shoot of their movie under Star Cinema.
“Kasi kahapon meron kaming shinoot ni Joshua na endorsement niya. They told me na they have a bucket list together. Sinabi nila na kapag nagkaroon na ng three endorsements na silang dalawa as a tandem, they have two currently, on the third daw, pupunta sila ng New York,” sey ni Kris sa panayam ng ABS-CBN.
“Dream daw nilang dalawa ‘yun. So sinabi ko, ‘Iyang New York na iyan, basta mag-hit tayo, sagot ko na ‘yung tickets sa New York. Pero ‘yung hotel, tour and pagkain, mag-ipon na kayo for that,'” chika pa ng Social Media Queen.
Natutuwa si Tetay dahil nakikita niyang love na love nina Joshua at Julia ang isa’t isa and the fact na talagang meron silang common dream sa kanilang bucket list.
“Kasi di ba in life, you always have to have something to look forward to. So ‘yun ang sinasabi ko sa kanila na dapat ma-excite pa kayo,” sey pa ni Kris na gaganap na Lady Boss sa “I Love You Hater” habang sina Joshua at Julia naman will play her trainees.
Nang marinig ang promise ni Kris, tuwang-tuwa raw si Joshua, “Na-surprise talaga ako. Nabuhayan talaga ako.”
Sabi naman ni Julia, “I’m very excited. Josh told me about that after their shoot. ‘Yun ang unang una niyang sinabi sa akin. Of course I got excited. It’s so nice to be able to work with people who genuinely care about your dreams and your well-being. It’s an honor to be able to work with tita Kris.”
Natutuwa rin daw si Kris sa JoshLia dahil gustung-gusto rin daw sila ng kanyang mga anak, in fact super crush daw ng bunso niyang si Bimby si Julia.
“Si Bimb balak agawin si Julia kay Joshua. Sinasabi na niya, in 10 years, ate Julia will be 31. He’ll be 21. Mahahabol pa raw niya. Sabi ko nga kay Joshua, ‘Mag-ingat ka. May naghihintay, waiting in the wings na tumanda lang,'” sabay ng tawa ni Kris na kanyang-kanya lang.
Ang “I love You Hater” ay sa direksyon ni Giselle Andres under Star Cinema at showing na sa June 13 nationwide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.