Surigao del Norte niyanig ng magnitude 4.3 lindol
Leifbilly Begas - Bandera May 18, 2018 - 04:43 PM
NILINDOL ang Surigao del Norte kaninang tanghali, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Naramdaman ang magnitude 4.3 lindol alas-12:34 ng hapon. Ang sentro nito ay 37 kilometro sa kanluran ng Burgos.
May lalim itong 14 na kilometro at sanhi ng tectonic plate sa lugar.
Nagdulot ito ng Intensity II paggalaw sa Burgos, Surigao del Norte at Loreto sa Dinagat Islands.
Intensity I naman ang naramdaman sa San Jose, Dinagat Islands.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending