Du30 bibisita sa Pag-Asa island bago matapos ang kanyang termino
SINABI ng Palasyo na bibisita si Pangulong Duterte sa Pag-Asa Island bago matapos ang kanyang termino.
Sa isang panayam, iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito’y para igiit na ang Pilipinas ang may karapatan sa Kalayaan Isiland, na kabilang sa mga inaangkin ng China sa West Philippine Sea.
Idinagdag ni Roque na nais din ni Duterte na malaman ang kondisyon ng mga sundalong Pinoy at iba pang mga nakatira sa Pag-Asa Island.
Nauna nang nabatikos si Duterte sa malambot na posisyon sa mga islang pag-aari ng Pilipinas na kabilang sa mga inaangkin ng China.
Noong Mayo 16, tinangka ni Duterte na bumisita sa Benham Rise, bagamat hindi na tumuloy at pinangunahan na lamang ang programa sa loob ng BRP Davao del Sur sa gitna ng Casiguran Bay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.