Bea super ganda pa rin kahit umiiyak; Paulo, Derek pa-fresh | Bandera

Bea super ganda pa rin kahit umiiyak; Paulo, Derek pa-fresh

Reggee Bonoan - May 18, 2018 - 12:10 AM

PAULO AVELINO, BEA ALONZO AT DEREK RAMSAY

“CONGRATULATIONS, Team Kasal! 10 million THANK YOUS mula sa aming lahat para sa lahat ng sumuporta sa Star Cinema initial offering on its first day.” Yan ang caption na nakalagay sa Instagram post ng Star Cinema para sa kanilang latest movie na “Kasal”.
Hindi na kami magtataka kung maging blockbuster din ang pelikula nina Bea Alonzo, Paulo Avelino at Derek Ramsay na idinirek ni Ruel Bayani for Star Cinema dahil maganda ang pagtanggap dito ng mga manonood.
Napanood na namin ang “Kasal” sa ginanap na premiere night nitong Martes at naniniwala kaming kikita ito lalo na’t na-miss ng lahat si Bea na itinuturing na rin ngayong movie queen.
Ang ganda-ganda ni Bea sa kabuuan ng pelikula, kahit na umiiyak na at nakangiwi ay ang ganda pa rin niya, talagang inalagaan siya sa lahat ng anggulo ni direk Ruel.
Ang bango-bango namang tingnan ni Paulo sa screen habang si Derek ay fresh na fresh din at hindi haggard looking tulad sa ibang pelikula niya. Malinis at walang butas ang kuwento ng “Kasal” na isinulat ni Kriz Gazmen.
Anyway, hindi na namin ikukuwento ang mga magagandang eksena sa “Kasal”, mas okay kung panonoorin n’yo ito para kayo na ang humusga kung sino kina Derek at Paulo ang dapat piliin ni Bea para pakasalan.
Scene-stealer naman si Cris Villongco na ikinasal sa pelikula kaya naalala tuloy namin ang kuwento niya sa presscon ng “Kasal” na biglaan ang pagpapakasal niya at hindi siya handa, pero dahil mabait at responsable ang napangasawa niya kaya hindi siya nagsisisi, “He gave me the world,” sabi pa ng singer-actress.
Anyway, nagulat naman kami sa ginagampanang karakter ng beauty queen-turned actress na si Kylie Versoza na naka-one night stand ni Derek sa pelikula.
Palaban din pala ang dalaga sa mga maiinit at kontrobersiyal na eksena, huh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending