Ika-23 araw na no unloading incident sa MRT
ABOT na sa 23 araw na walang unloading incident sa Metro Rail Transit 3, ang pinakamahabang “no unloading incident” sa nakaraang pitong taon, ayon sa Department of Transportation.
“Bagamat hindi talaga maiiwasan ang mga unloading incidents, makakaasa po kayo na patuloy ang pagsisikap ng DOTr at MRT-3 management para maisaayos ang tren,” saad ng kalatas ng DoTr-MRT.
Samantala patuloy ang ginagawang pag-uusap ng MRT at Japan International Cooperation Agency para sa rehabilitasyon ng sistema upang mas lalong gumanda ang serbisyo nito.
Noong Miyerkules ay umabot sa 332,768 pasahero ang sumakay sa MRT3. Umabot sa 15 tren ang average na tumatakbong tren sa linya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.