DUMALO si Pangulong sa graduation ng apong si Isabelle Lovelie Duterte na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) ngayong araw.
Anak si Isabelle ni Davao City vice mayor Paolo Duterte, na kabilang sa unang batch ng senior high school na nagtapos sa San Beda College Alabang. Kinuha niya ang track na Humanities and Social Sciences. Dumalo rin ang mga magulang ni Isabelle na sina Paolo at Lovelie Sangkola-Sumera sa seremonya.
Dumating si Duterte sa PICC Plenary Hall ganap na alas-9:50 ng umaga. Sinamahan siya ni Special Assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” Go at PICC General Manager Atty. Renato Padilla. Pinaunlakan naman ni Duterte ang ilang estudyante na mag-selfie kasama siya.
Nagtapos si Duterte sa San Beda.
Bago magtapos ang graduation, umakyat siya sa entablaso para batiin
ang mga opisyal at empleyado ng
San Beda College.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.