Happiness hindi lang nakukuha sa pag-aasawa | Bandera

Happiness hindi lang nakukuha sa pag-aasawa

Beth Viaje - May 16, 2018 - 12:10 AM

DEAR Ateng Beth,

Ang tagal ko nang nagtetext sa iyo, sana naman mabasa mo na ito at masagot mo yung problem ko.

Feeling ko hindi na siguro ako makakapag-asawa. Nalipasan na yata ako ng panahon. Thirty five years old na ako.

Naka-anim na boyfriend na po ako, pero nauwi lang sa wala lahat. Mabait naman ako, masipag pa at maganda naman. Kaya lang di na ako virgin, kaya siguro di ako siniseryoso ng mga naging BF ko.

Tama bang wag na akong umasang magkaasawa pa? Ano sa palagay mo ateng Beth? Payuhan mo naman ako, please. Thank you.

– Frustrated Lady, Parañaque City

Ay sorry naman, ngayon ko lang natanggap ang text mo.

Ate, ang buhay ay hindi sa pag-aasawa lang naka-ikot. Ang dami mong pwedeng gawin at i-enjoy bilang isang single lady. At ang pagkababae mo ay hindi nakasalalay lang sa virginity mo.

The fact na naka-anim na boyfriend ka at nakatikim na ng chorva, okay ka na dun, ‘teh! Boundary ka na, hahaha!

Hindi ko sinasabing huwag ka nang umasa na magkaka-asawa ka pa kasi wala namang makakapagsabi non. Ang maigi mong gawin habang di ka pa nag-aasawa, ay gawin ang mga bagay na pwede mong gawin.

Mag-aral kung pwede pa, o kaya naman ay mag-travel, mag-negosyo, magpaganda at magpa-sexy, magluto, tumambay, matulog ng 12 hours, pasyalan ang mga kaibigan magbasa ng maraming books, mag-mountain climbing, magtanim ng puno, pumunta sa dulo ng Pilipinas, magpa-itim, magpaputi…lahat-lahat ng gusto mong gawin, gawin mo at siguradong mag-e-enjoy ka.

Pwede rin namang kahit single ka mag-ampon ka, magpakain ka ng mahihirap, mag alaga ng pets…di ba? Andaming pwdeng pagkagastusan ng araw at buhay, at hindi yung maghintay ka lang ng lalaking magpapakasal sa iyo.

Andaming pwedeng gawin kesa maawa ka sa sarili mo dahil hindi ka na virgin. In the first place, wala naman dapat issue ang virginity sa taong dapat magmahal sa iyo.

So make yourself useful and enjoyable for yourself ate. Ikaw gagawa ng ikaliligaya mo. Or better yet, make yourself beneficial for others para naman ma-appreciate mo ang ganda ng buhay mo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Balitaan mo ko kung nasaan ka at ano na ginagawa mo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending