PNP chief sinabing mas mababa ang bilang ng karahasan na may kaugnayan sa 2018 polls
SINABI ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde na mas mababa ang bilang ng mga biktima ng karahasan para sa eleksiyon sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) ngayong taon kumpara sa halalan noong 2013.
Sa isang briefing sa Commission on Elections (Comelec) command center sa Maynila, sinabi ni Albayalde na kumpirmado na 13 sa 33 kaso ng pagpatay ngayong taon ay konektado sa eleksiyon.
Mas mababa ito kumpara sa 33 naitala noong 2013.
“So compared sa 2013 na confirmed, mababa – 33 versus 13 this year,” sabi ni Albayalde.
Idinagdag ni Albayalde na sa kabuuan, nakapagtala ng 83 (nasawi at nasugatan) kaso ng karahasan sa 2018 na may kaugnayan sa halalan, na mas mababa sa 109 na naiulat noong 2013.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.