Mga lihim ni Paolo Ballesteros ibubuking ni Regine | Bandera

Mga lihim ni Paolo Ballesteros ibubuking ni Regine

- May 12, 2018 - 12:40 AM


MAKIKI-CELEBRATE ng Mother’s Day ang Transformation King na si Paolo Ballesteros sa favorite tambayan n’yo tuwing Sabado ng umaga sa GMA 7, ang Sarap Diva.

Siguradong isa na namang pampa-good vibes at punumpuno ng katatawanan at chikahan na Saturday morning ang naghihintay sa inyo sa Sarap Diva kasama ang nagpiisang Asia’s Songbird with “special mommy figures” na sina Mariah Crissy, Ate Velma and Paolo.

Learn delicious homemade goodies like Crissy’s Minalunggay na Tinola, Paolo’s Gising-Gising and Ate Velma’s Choco Hazel Peanut Cheesecake na pwedeng-pwede n’yong ihain ngayong araw ng mga ina.

Bukod diyan, may mga pasabog pang chika ang mga bisita ni Regine as they tell stories about the joy and struggles of being an unconventional mom in an unconventional family, lalo na si Paolo na talaga namang challenging ang takbo ng personal life. Abangan ang mga gagawing pambubuking ni Regine sa mga sikreto ng Eat Bulaga Dabarkads.

Idagdag pa ang mga nakakalokang eksena ng pambansang kasambahay na si Inday Terry.

Kaya huwag na huwag aabsent ngayong Sabado ng umaga kasama ang Songbird at ang kanyang special guests sa nag-iisang cooking show with a big twist, ang Sarap Diva pagkatapos ng Maynila sa GMA 7.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending