‘General’s Daughter’ hahataw sa ‘RIVlog Live’ dance concert | Bandera

‘General’s Daughter’ hahataw sa ‘RIVlog Live’ dance concert

Ervin Santiago - May 10, 2018 - 12:30 AM


NAKILALA namin recently ang tunay na “General’s Daughter” – ang dating member ng all-girl group na Girltrends sa Showtime at sikat na vlogger na si Riva Quenery. Anak siya ni Gen. Robert Quenery, ang kasalukuyang Regional Director ng Central Visayas (Region 7).

Nakachika namin si Riva sa pa-presscon ng Star Magic para sa kanyang first ever birthday dance concert, ang “RIVLOG LIVE,” at dito nga niya naikuwento ang tungkol sa pagiging anak ng heneral.

“Isinasama po niya ako sa exercises nila like running, obstacle course, ang hirap po pala, hindi ko kinakaya maski po sumasayaw ako nahihirapan ako. Hindi lang po natutuloy ‘yung sa firing,” pahayag ng dalaga. Pero aniya, wala siyang balak pasukin ang military.

Kilala si Riva bilang isang magaling na dancer at singer, sa katunayan, libu-libong views at likes ang nakukuha ng mga ipino-post niyang dance video sa kanyang vlog. Kaya naman bilang regalo sa kanyang fans, magkakaroon siya ng birthday concert sa SM Skydome sa May 27, ito ngang “RIVLOG LIVE”.

“Kasi para ito sa mga sumusuporta sa akin at kapag pinanood nila ang concert ko para na rin silang nanonood ng vlogs ko ng live,” sey ni Riva.

Sikat nang Vlogger si Riva bago pa nakilala bilang endorser at performer. Nakamit ni Riva ang YouTube’s popular Silver Play Button award dahil sa kanyang mga vlogs na may 100,000 subscribers. Matapos ang isang taon, umabot sa 340,000 followers sa YouTube ang kanyang RIvlog,

“Sobrang kinakabahan ako kasi sanay ako na magpe-perform lang as guests, pero this time, event ko talaga ito. It’s all about me. Dito ko i-sho-showcase kung ano ang kaya kong ibigay sa mga tao,” aniya.

Bukod sa ipapakitang talent ni Riva sa pagkanta at pagsayaw sa stage, masaya rin na makatulong dahil ang proceeds ng kanyang concert ay para sa mga bata ng Tahanang Mapagkalinga ni Madre Rita.

“Every birthday ko, I make sure na tumutulong ako sa mga street children. Parang naging advocacy ko na siya. Parang naisip ko rin na, what better way to celebrate it than to make my supporters happy and then yung mga less fortunate na tao,” aniya pa.

Ilan sa kanyang malalapit na kaibigan sa showbiz ay espesyal guests ni Riva sa concert kabilang sina Krissha Viaje at Sammie Rimando, Hashtags member Zeus Collins, Awra Briguela at Maris Racal.

“Pinaka-excited ako sa mga bagong genre na gagawin ko, kasi may mga gagawin ako sa concert na hindi ko talaga nagagawa before. Excited ako to explore new things para sa mga taong sumusuporta sakin kasi matagal na nila itong hinihingi sakin,” sabi ni Riva.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Rivlog Live” is produced by Hermie Carreon and directed by Marvin Caldito. Para sa tickets, call SM tickets (470-2222) or visit HYPERLINK “https://www.smtickets.com” www.smtickets.com.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending