Ogie Diaz may gag order laban kay Suzette Doctolero
IF OUR memory serves us right, nito lang sumagot ang comedian cum talent manager na si Ogie Diaz sa social media addressing his “manalamin ka muna” advice to GMA head writer Suzette Doctolero.
Kumbaga, dumating na sa tipping point ang marahil ay matagal nang bottled-up emotions ni Ogie that he thought best na pakalawan ito.
Kung ita-timeline, Suzette had initially picked on the mala-karnabal costumes ng ilang tauhan sa Bagani even before it aired. Nasundan ito ng reference sa Babaylan, whose depiction in the ABS-CBN fantaserye Suzette contested bilang taliwas sa kasaysayan.
Taking it upon himself, isang makabuluhan at disente namang panawagan ang itinawid ni Ogie kay Suzette—to look into herself and from within—baka kasi hindi nito napapansin na meron din palang makatawag-pansin sa kanya.
Many times over in the past ay bina-bash din kasi si Suzette for her body of work (hindi body niya, ha?). Kundi man kinopya lang daw ang kanyang mga likhang kuwento ay marami ring loopholes.
Not only is Suzette noted (or notorious?) for picking on programs ng kalabang istasyon, maging ang mga katrabaho niyang artista sa GMA ay hindi niya pinatatawad.
Simple lang ang punto ni Ogie, don’t we all aspire to do better shows na ang mga manonood naman ang siyang makikinabang? If this is the general objective, pagandahin na lang natin ang ating ipinalalabas, but you cannot do it by harping on other shows kundi ang programa mo ang mas dapat mong tutukan.
May sagot agad si Suzette sa post ni Ogie, “shallow ramblings” daw ito when in truth, it’s actually Suzette who started all these shallow ramblings.
Catching him online nitong madaling araw, nag-send kami ng pm (private message) kay Ogie wanting to interview him on his issue with Suzette but he begged off: “Huwag na, ‘teh, pinagalitan na nga ako. Huwag ko na raw patulan.”
Dahil may “gag order” kay Ogie, we’ll speak for him.
Magaling din lang na head writer si Suzette (probably next to none) as she claims to be, hindi sapat ang pagtataglay lang ng galing. Nasa mundo siya ng TV, Suzette should know kung ano’ng laban meron dito.
It’s not enough that a TV station churns out a good product, it should also sell. At sa kaso ng mga likhang dula niya, they should deliver the figures. Mag-rate din ang mga shows niyang sinasabi niyang orihinal na produkto ng malikot niyang imahinasyon.
Pero kung ibang show ang mas inaatupag at pinag-aaksyahan niya ng panahon, Suzette will certainly have little or no time at all to make her own show rise above mediocrity.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.