Go-Tek ng Indonesia nais kalabanin ang Grab sa PH– LTFRB exec
SINABI ng isang opisyal ng Land Transportation Franchise ang Regulatory Board (LTFRB) na nagpahayag ng interes ang Indonesian ride-hailing firm na Go-Jek na lumahok sa industriya ng transport network vehicle service (TNVS).
Sinabi ni LTFRB board member Aileen Lizada na dadaan pa rin sa mahigpit na deliberasyon ang pagpasok ng Go-Jek.
“Go-Jek is interested to enter and provide TNVS services, which is only 1 of the 18 services they offer,” sabi ni Lizada.
“Go-Jek is big. We need to study well as we need to protect the local players,” dagdag ni Lizada.
Bumisita ang mga opisyal ng Go Jek na sina Rohan Monga at Shinto Nugroho para ipakilala ang kanilang kompanya sa LTFRB board.
Sinabi ni Lizada na tinatayang aabot sa 250,000 ang TNVS ng Go Jek sa Indonesia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.