Ikatlong 3-peat nakamit ng DLSU Lady Spikers | Bandera

Ikatlong 3-peat nakamit ng DLSU Lady Spikers

Angelito Oredo - May 02, 2018 - 09:30 PM

KINUMPLETO ng nagtatanggol na kampeong De La Salle University ang makasaysayan nitong ikatlong three-peat matapos na walisin ang Far Eastern University sa loob ng tatlong set, 26-24, 25-20, 26-24, Miyerkules upang iuwi ang korona ng UAAP Season 80 women’s volleyball sa Araneta Coliseum.

Itinala ng Lady Spikers ang matinding pagbalikwas sa unang set kung saan naghabol ito sa 21-24 sa pagbagsak ng limang sunod na puntos tampok ang tatlong puntos ni Kim Kianna Dy at dalawang service ace ni Majoy Baron upang agad na diktahan ang takbo ng pangkampeonatong serye sa pag-agaw sa set, 26-24.

Agad na umarangkada ang La Salle sa ikalawang set sa pagtatala ng 16-9 abante tungo sa pagkapit sa 2-0 abante bago na lamang ang nakakarinding ikatlong set na naging mahigpitan sa huling yugto at nagtabla sa iskor na 24 kung saan naitakas ng Lady Spikers ang huling dalawang puntos para sungkitin ang korona.

Halos nagseselebra na ang La Salle sa 24-20 bago na lamang bumalikwas ang FEU na nagawang itabla ang iskor sa 24-all at umasa na maipuwersa pa ang isang matira-matibay na labanan. Gayunman, hindi na napigilan ang La Salle matapos umiskor si Dy at Desiree Cheng upang iuwi ang kabuuan nitong ika-10 korona.

“Medyo nagalit ako at sinabihan ko sila na huwag muna tayo mag-celebrate kasi hindi pa tapos ang laban,” sabi ni La Salle coach Ramil De Jesus, na sinungkit ang kanyang ika-11 titulo sa liga.

Nagtala si Dy ng kabuuang 18 puntos na mula sa 15 kills, 2 blocks at 2 service ace habang inuwi ni Dawn Macandili ang kanyang kauna-unahang Finals Most Valuable Player award at pinakauna sa kasaysayan ng torneo na isang libero ang nakapag-uwi ng karangalan sa itinala na 25 digs at aveage na 15 excellent reception.

Una nang tinalo ng La Salle ang Lady Tamaraws, 29-27, 25-21, 25-22, sa Game 1.

Nalasap ng La Salle ang pinakauna nitong titulo noong Season 62 (1999-2000) bago nakabalik sa pagwawagi sa korona noong 2003, 2004, 2005 bilang 3-peat champion. Nagwagi itong muli noong 2009 at 2011, 2012, 2013 para sa ikalawa nitong 3-peat na titulo.

Samantala, tuluyang hinubaran ng National University ang tatlong sunod at nagtatanggol na kampeon Ateneo de Manila University matapos lampasan ang matinding apat na set, 25-20, 31-29, 22-25, 33-31, para walisin sa Game 2 ang sarili nitong best-of-three UAAP Season 80 sa men’s volleyball finals.

Kinailangan ng Bulldogs magpakatatag sa pitong match points bago nito tuluyang pinutol ang dominasyon ng Blue Eagles matapos na mabigo sa nakalipas na tatlong sunod na pagtuntong sa finals at angkinin ang pangkalahatan nitong ikatlong korona sa volleyball.

“Pinakamatamis itong kampeonato na ito dahil matagal kaming naghintay at umaasa na makakayanan namin muli na makuha ang korona,” sabi ni ni NU head coach Dante Alinsunurin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagtala si Bryan Bagunas ng 22 puntos matapos na unang magtala ng 19 sa straight set na panalo ng Bulldogs sa Game 1 apat na araw na ang nakalipas upang tanghaling Finals MVP.

Nag-ambag si James Natividad ng 18 puntos kabilang ang krusyal na spike para itala ang 32-31 iskor na lamang mataposnapuwersa ang Ateneo sa palo ni Ron Medalla na tumama sa labas na nagtulak sa unang titulo ng NU sapul na magtala ng back-to-back noong Season 75 at 76.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending