Jinkee sumbatera; mga anak ni Pacman maluho raw
AYAN na, magbibilang na rin ng mga bahay si Jinkee Pacquiao na kanilang naipagawa at naipamigay matapos mapikon ang lola n’yo sa pasaring ng ilang netizens.
Yun ang naging sagot ni Jinkee matapos punahin ng basher ang diumano’y pagiging maluho ng kanyang pamilya, kabilang na ang pagbili ng mga branded items (damit, sapatos at bags) ng kanyang mga anak.
Sabi ng ilang hater ng misis ni Manny Pacquiao, imbes daw sanang sa pagpapatayo halimbawa ng mga bahay para sa mahihirap nilang kababayan ang gawin nina Jinkee, eh puro luho lang daw ang napupuntahan ng kanilang yaman.
Kaya ang sagot sa kanila ni Jinkee, ipadadala raw niya sa mga ito ang mga litrato ng bahay na ipinagawa nila ni Pacman para sa mahihirap nilang kababayan sa General Santos City at Sarangani.
Ayan na, magbilangan na tayo ng bituin sa langit! Ha-hahaha!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.