Pakanega: Malditang female star tinigok agad sa teleserye para turuan ng leksyon | Bandera

Pakanega: Malditang female star tinigok agad sa teleserye para turuan ng leksyon

Cristy Fermin - May 03, 2018 - 12:20 AM

BINIGYAN lang pala ng leksiyon ng kanyang network ang isang female personality na ang kasupladahan ay hindi kayang kabugin ng kahit sino.

Hindi lang ang kanyang mga kasamahan ang nakakapansin sa kanyang kamalditahan, pati ang production staff ay kinakayan-kayanan din niya, kaya ‘yun ang kinalabasan ng kanyang career.

Ganu’n talaga kapag ang mga staff na ng production mismo ang nagreklamo, agaran ang aksiyon, tulad ng nangyari sa babaeng personalidad na ito.

Kuwento ng isang source na may alam tungkol sa kuwento, “Kapag nagiging nega na sa kapaligiran ang isang personality, kapag marami nang nagrereklamo tungkol sa attitude niya, e, napakadali namang gawan ng paraan ang ganu’n.

“May magic na nagagawa ang production kapag ganu’n. Ano ba namang paigsiin na lang ang role niya sa isang serye? Ano ba namang palabasin na nagbakasyon siya sa ibang bansa?

“Napakaraming paraan para hindi na siya makita. Puwede ring maaga siyang tigukin sa istorya, di ba?
“Ganu’n lang naman ‘yun! Hindi ang artista ang mayhawak ng kapalaran niya.

“Kapag marami nang naririnig na reklamo ang staff, nakararating ‘yun sa kataas-taasan, inuupuan ‘yun, nagdedesisyon ang production para sa magiging decision nila,” umpisang kuwento ng aming impormante.

Tulad ng female personality na ito na may pagka-primadonna, kinakabog pa niya ang bida ng serye sa kanyang kamalditahan, anyare sa career niya sa serye?

“May kaartehan kasi ang babaeng ‘yun, parang feeling niya, e, hindi na iikot ang kuwento ng serye kapag nawala siya. Tinatawag na siya para sa eksena, ayaw pa niyang lumabas sa lungga niya.

“May mga reporters na gustong kumausap sa kanya sa set visit, pero ayaw niyang humaharap, pakiramdam talaga ng hitad na ‘yun, e, sikat na sikat na siya na kailangang suyuin pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Waley! Palagi siyang ganu’n, kaya ang naging leksiyon sa kanya ng network, tinigok siya nang napakaaga sa kuwento, wala na siya ngayon!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, getlak n’yo na kung sino siya? Katunog pa naman ng name niya ang paborito n’yong hopya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending