Bagets actor nagsisi kung bakit pinayagan ang dyowang aktres na makipaghalikan sa ka-loveteam
TOTOO kaya ang tsika sa amin ng kaibigan ng isang young actor na sana’y hindi niya pinayagan magkaroon ng kissing scene ang girlfriend sa leading man nito sa isang seryeng umeere ngayon.
“Nagpaalam naman si ____ (young actress) kay ____ (male star) na may mga halikan at bed scene, umokey naman si bro, kaso iba na pala kapag napanood na. Kaya medyo may selos factor sa kanya.
“Nag-uusap naman sila tungkol du’n, pero medyo nagkainitan nitong huli pero naayos naman agad. Medyo mainitin talaga ang ulo nu’ng isa (young actor), kasi ang daming isyung dapat niyang ayusin. Nakakadagdag pa ‘yung tinutukso siya ng ibang kaibigan namin tungkol sa teleserye ni ____ (aktres),” kuwento sa amin.
May tiwala naman daw ang young actor sa leading man ng girlfriend niya kaya lang hindi pa rin mawala sa kanya ang magselos dahil nga marami pang maiinit na eksena ang magka-loveteam.
Banggit pa sa amin ng taong malapit sa young actor, “Saka nabawasan na ang pagkikita nila kasi busy na sa taping ang girl.”
Naku, huwag na huwag bibitaw si young actor sa relasyon nila ni young actress dahil posibleng mabaling ang atensyon nito sa kanyang leading man na balitang type na type rin ang girl.
q q q
Isa ang bossa nova singer na si Sitti ang nagpahayag ng suporta niya kay Sarah Geronimo sa pagbe-breakdown nito habang nagko-concert sa Las Vegas nitong nakaraang Linggo.
Tweet ni Sitti, “My heart breaks for Sarah G, I hope she’ll be able to have a good long break after her tour, doing the things she wants with the people she likes, and for her to be given the freedom to do so.”
Hindi naman nalalayo ang kalagayan ni Sitti kay Sarah noong panahong kaliwa’t kanan ang shows niya rito sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Tanda namin ay batang nagsimula rin noon si Sitti at breadwinner din siya ng pamilya kaya naman wala siyang tinatanggihang offer.
Kasa-kasama rin noon ng bossa nova singer ang mommy niya sa lahat ng kanyang gigs at kung minsan ay kasama pa ang stepdad niya at kapatid.
Ang pagkakaiba lang nina Sarah at Sitti ay hindi artista ang huli at hindi rin vocal sa nararamdaman niya noon though nababanggit niyang nakakaramdam din siya ng pagod. Pero masaya pa rin naman daw siya dahil ginagawa niya lahat para sa pamilya niya at para sa passion niya for music.
Ang alam namin ay nagkaroon ng boyfriend noon si Sitti na talagang mahal na mahal niya pero ilang taon lang ay nagkahiwalay sila dahil mas prayoridad ng singer ang pamilya.
Ilang taon ding naging single si Sitti dahil hindi pa rin niya nalilimutan ang ex-boyfriend hanggang sa nakilala niya ang naging asawa na niya ngayon na si Joey Ramirez na isang businessman/sportsman.
Kaya bossing Ervin nakaka-relate si Sitti kay Sarah at naniniwalang darating ang araw na makakamtan din ng Popstar Princess ang lahat ng inaasam niya sa buhay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.