IDINEKLARA ng National Police na mapayapa ang Labor Day o Araw ng Paggawa kahapon, sa kabila ng mga kilos-protestang isinagawa sa iba-ibang bahagi ng bansa.
“The Labor Day Celebration nationwide was generally peaceful with no violent incident reported across the country. The Chief PNP, Dir. Gen. Oscar Alabayalde, attributed this to the extensive preparations by the PNP and to the cooperation of the labor leaders who promised to police their own ranks and ensure order in today’s rallies,” sabi ni Chief Supt. John Bulalacao, tagapagsalita ng PNP.
Sa tala ng National Capital Region Police Office, sinasabing mahigit 7,545 ang mga nakilahok sa rally sa Mendiola, Manila, Lunes ng tanghali, habang may mangilan-ngilang nagsagawa ng kilos-protesta sa katimugang bahagi ng Kamaynilaan.
Hiwalay pa dito ang humigit-kumulang 3,000 rallyista na na-monitor sa Ilocos region, Central Luzon, Calabarzon, Bicol, Central Visayas, Northern Mindanao, at Caraga.
Pinayagang mag-rally ang mga manggagawa nang walang permit, base sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte, ani Bulalacao.
Pinairal ng mga pulis ang “maximum tolerance,” aniya pa.
Una nang sinabi ng PNP at ng Armed Forces na wala silang namo-monitor na banta ng anumang karahasan sa Araw ng Paggawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending