Media pinagbawalang makapasok sa loob ng Malacanang | Bandera

Media pinagbawalang makapasok sa loob ng Malacanang

- May 01, 2018 - 01:41 PM

PINAGBAWALANG makapasok ang mga miyembro ng Malacanang Press Corps (MPC) sa loob ng Malacanang sa araw mismo ng paggunita ng Araw ng Paggawa.

Todo paliwanag naman si Presidential Security Group (PSG) Commander Brig. Gen Louie Dagoy sa pagsasabing nagkaroon lamang ng hindi pagkakaintindihan sa mga miyembro ng PSG.

“Meron lang misunderstanding diyan. Red alert kasi tayo and then holiday, so sin- talaga yug buong Palasyo.
Now ngayon, siguro hindi rin yata nag-coordinate yug taga-media, hindi alam ng taga-PSG e alam nila na walang event, so kaya siguro nagulat bakit may mga tao,”

Ito’y taliwas naman na dating pagpapasok ng mga miyembro ng media kahit holiday.

Inamin ni Dagoy na naging paranoid lamang ang mga miyembro ng PSG.

“Mga paranoid yung mga sundalo ko, pagpasensyahan na ninyo, pag nakikita ng mga alanganin iyan e, nanininguro lang ang mga iyan, di bale nang…kaysa kaag may nangyari na wala silang nagawa, parang ganon,” dagdag ni Dagoy.

Ayon pa kay Dagoy, nagdeklara ang PSG ng red alert sa harap ng mga kilos protesta sa Araw ng Paggawa.

“May red alert kasi tayo na dineclare dyan dahil may mga threats na natataggap tayo so ayaw natin na may nangyayari habang wala si president sa Palasyo,” sabi pa ni Dagoy.

Ani balik normal na ang operasyon sa palibot ng Malacanang bukas.

“After May 1, May 2 lifted na iyan. Wala naman kaming intention na i-deprive kayo ng karapatan ninyo, hindi lang talaga nagka-usap lang siguro,” giit ni Dagoy.

Maging ang reporter at crew ng government-run na PTV-4 ay hindi pinapasok.
“Si ano nga daw si Rocky (Ignacio) of all people, baka hindi rin kilala nung nagbantay, so iyun nangyari, alam mo na effect kasi iyan nung nangyari sa, nangyari di ba nung binastos tayo ni Pia (Ranada ng Rappler), ayan na iyun, ayaw nilang mangayri ulit, nasobrahan naman,” giit ni Dagoy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending