Sure na: Hyun Bin, Park Shin Hye bibida sa ‘Alhambra’
SIGURADO nang si Park Shin Hye ang makakapareha ni Hyun Bin sa isa pang inaabangang K-Drama na Memories of the Alhambra.
Ito’y matapos kumpirmahin kamakailan ng agency ni Hyun Bin ang pagbabalik soap opera ng aktor makalipas ang tatlong taon. Huling napanood si Hyun Bin sa Hyde, Jekyll, Me.
Ipalalabas naman sa Channel 2 ang huling K-drama ni Shin Hye na Doctor Crush kung saan niya nakasama ang sikat na aktor na si Kim Rae Won.
Matatandaang bukod sa romcom seryeng Kim Sam Soon, nakilala si Hyun Bin sa kanyang pagganap sa Secret Garden, na parehong ipinalabas sa GMA 7.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.