Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. Columbian Dyip vs Meralco Bolts
7 p.m. Phoenix vs
Blackwater Elite
PARA maiba naman sa karanasan nito sa mga nakalipas na torneyo ng PBA ay pipilitin ng Columbian Dyip (dating Kia Picanto) na makuha ang pangalawang panalo at ang solong liderato ng PBA Commissioner’s Cup.
Makakasagupa ng Columbian Dyip sa unang laro ng double-header ngayon ang Meralco Bolts sa Smart Araneta Coliseum.
Sa main game naman ay magsasagupa ang Blackwater Elite at Phoenix Fuelmasters umpisa alas-7 ng gabi.
Tinalo ng Columbian Dyip ang Blackwater Elite, 126-98, sa opening day ng Commissioners Cup noong Linggo. Ang 28-puntos na panalo na ito ay siya ring franchise record ng koponan.
Sa unang laro ay umiskor lamang ng siyam na puntos ngunit pumitas ng 22 rebounds ang inport ng Dyip na si Charles Aiken.
Bagaman hindi masama ang ipinakita ni Aiken, sinabi ni Columbian Dyip coach Ricky Dandan na nais niyang maging mas agresibo si Aiken sa opensa laban sa Meralco.
“His presence in the shaded lane and rebounding is okay but we need him to be more aggressive especially against bigger imports,” sabi ni Dandan.
At tiyak na mapapalaban ang 6-foot-9 na si Aiken dahil makakatapat niya sa kabilang kampo ay si Arinze Onuaku, na nag-average ng 18.7 puntos, 17.3 rebounds at 1.5 blocks sa 17 laro para sa Bolts dalawang taon na ang nakararaan.
Nagbida rin para sa Dyip sina Jeremy King at Rashawn McCarthy noong Linggo.
—Angelito Oredo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.