Magaling na aktor takot na takot gumastos, pati kapatid pinagdamutan | Bandera

Magaling na aktor takot na takot gumastos, pati kapatid pinagdamutan

Cristy Fermin - April 25, 2018 - 12:15 AM

 

SA isang malaking umpukan ng mga taga-showbiz ay may isang nagtanong, “Bakit palaging si ____ (pangalan ng isang guwapong aktor na nagkakaedad na) lang ang naba-blind item sa kakuriputan?

“Bakit hindi rin isali sa listahan ang isang ka-contemporary niyang male personality na kapag pagiging kuring na ang topic, e, over to-the-max ang pagiging kuring?

“Grabe rin ang isang ‘yun! Sobra siyang boxer (read: palaging nakasarado ang kamao), napakakuripot niya, alam na alam ‘yan ng mga katrabaho niya!

“Pati nga ang sarili niya, e, kinakaya niyang pagkuriputan, ‘no! Gustung-gusto na niyang kumain ng paborito niyang food, pero dahil malalagasan ang bulsa at wallet niya, e, di bale na lang!” tawa nang tawang kuwento ng miron.

Kapag nasa shooting o taping ang mga artista ay para silang nagpi-picnic, kani-kanyang dala ng pagkain ang magkakatrabaho, salu-salo sila sa lunch o dinner.

Balik-kuwento ng aming source, “Pero si ____ (pangalan ng magaling na aktor na nagkakaeadad na rin), hindi siya nagdadala ng kahit anong food sa set. Nakikikain lang siya, wala siyang share!

“Mahusay siyang humawak ng datung, pero sa sobrang galing niyang humawak ng pera, e, kinakapos na siya sa pakikisama. Tama bang makikain lang siya palagi? Hindi ba puwedeng nagdadala rin siya ng food na mapagsasalu-saluhan nilang magkakatrabaho?” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Kaya naman maganda ang buhay ng aktor, napagtapos niya sa magagandang eskuwelahan ang kanyang mga anak, sa naiipon niya ngayon ay hindi na siya maghihirap kahit talikuran na niya ang pag-arte.

“Nu’ng minsan ngang humihiram ng datung sa kanya ang brother niya, e, natiis niya! Wala raw siyang pera. Sus! Sino naman kaya ang maniniwalang wala siyang perang maipapahiram sa utol niya, e, sabay-sabay ang airing ng mga seryeng kasali siya?

“Naku, ha? Siya na ang hari ng pagiging kuring, sa totoo lang! Kundi dahil sa brother niya, magkakaroon ba siya ng career?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, siguradong kilala n’yo na kung sino ang kuripot na male personality na ito. Think pa a little, magegetlak n’yo na kung sino siya!” pagtatapos ng aming source.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending