MMDA isasara ang ilang bahagi ng Roxas Boulevard dahil sa pagtitipon ng INC
INIHAYAG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na isasara sa mga sasakyan ang ilang bahagi sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Mayo 6 para sa Iglesia ni Cristo’s (INC) Worldwide Walk to Fight Poverty.
Sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia isasara ang northbound lane at southbound lane ng Buendia papuntang Padre Burgos sa Roxas Boulevard mula alas-12 ng hatinggabi sa Mayo 5 hanggang alas-10 ng gabi sa Mayo 6
Kabilang din sa mga isasara ang mga bahagi ng Buendia, Taft Avenue, at Road 10; at mga kalye sa bisinidad ng Quirino Grandstand, Luneta Park at Cultural Center of the Philippines.
Idinagdag ni Garcia na mahigit isang milyon ang inaasahang lalahok sa charity walk.
“We need the cooperation of the public, stay away from Roxas Boulevard and some areas in Manila and Pasay if you do not have any business or anything important to do there,” sabi ni Garcia.
Idinagdag ng MMDA na magpapakalat ng 200 personnel para matiyak ang peace and order sa pagtitipon.
“We have also coordinated with the local government units of Manila and Pasay to help manage traffic and ensure the safety of the participants,” ayon pa kay Garcia.
Samantala, nanawagan si Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Tim Orbos sa mga kalahok na gamitin ang mga pampublikong train system sa pagpunta sa lugar ng pagdarausan ng pagtitipon ng INC.
“We urge them not to bring their vehicles and just park their vehicles away from the venue,” dagdag ni Orbos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.