Alden ‘pinarusahan’ ang bastos na alalay
WALA palang sanction na ginagawa ang GMA Artist Center sa handler o alalay ni Alden Richards na si Leysam Sanciangco na nambastos sa kaibigang Maricris Nicasio, entertainment editor ng Hataw.
Sa ginanap na mall show ni Alden nitong Linggo sa SM Megamall para sa Cookie’s Peanut Butter ay binigyan ng aktor ng bulaklak ang katotong Maricris at mangiyak-ngiyak na humingi ng dispensa sa ginawa ng kanyang alalay at nagpaliwanag din sa nangyari.
At bilang parusa ay hindi na raw niya isinama ni Alden sa nasabing event, natuto na rin daw ang aktor sa nangyari kaya magiging maingat na raw siya sa susunod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.