POSIBLENG magsama sa isang Korean series ang K-Drama superstars na sina Park Bo Gum at Bae Suzy matapos ialok sa kanila ang People of Incheon Airport.
Kapwa sinabi ng mga ahensiya nina Bo Gum at Suzy na pinag-aaralan pa kung tatanggapin ang proyekto.
Nauna nang inalok ang proyekto sa Korean superstar na si Park Shin Hye pero tinanggihan niya ito matapos maiba ang istorya.
Nakilala nang husto si Bo Gum sa kanyang pagganap sa Love In The Moonlight, na ipinalabas din sa Pilipinas. Kabilang din sa mga naging Korean drama ni Bo Gum ay ang Hello Monster at Reply 1988.
Bumida naman sa Korean drama na While You Were Sleeping at Uncontrollably Fond si Suzy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.