Andre Paras mas tumaas ang respeto sa mga pulis | Bandera

Andre Paras mas tumaas ang respeto sa mga pulis

|April 22,2018
facebook
share this

Andre Paras mas tumaas ang respeto sa mga pulis

- April 22, 2018 - 12:30 AM


HINDI lang daw ang co-stars niya ang nagpapasaya kay Andre Paras kapag nasa set ng GMA Telebabad series na Sherlock Jr.

Para sa kanya, enjoy and inspired siyang gawin ang GMA Primetime series dahil sa epekto sa kanya ng kanyang role bilang si Pido na isang pulis.

Aniya, dito niya naipapakita ang tunay niyang pag-uugali bilang isang kaibigan, best friend kasi ni Jack (Ruru Madrid) ang ginagampanan niya sa serye. Dagdag pa nito, napapa-relax siya ng kanyang karakter bilang pulis dahil sa mga ginagawa nila ni Jack para mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng krimen at para lumabas ang katotohanan sa bawat kasinungalingan.

Natutuwa rin daw siya na ang layunin ng programa ay maging inspirasyon sa mga kabataan ngayon kaya naman mas inspired ang Kapuso actor na pagbutihan pa ang kanyang trabaho.

Aniya pa, mas lalong tumaas ang respeto niya sa mga pulis dahil sa pagganap bilang mapagkakatiwalaang alagad ng batas. Keep up the good work, Andre!

Samantala, huwag palampasin ang mga susunod pang eksena ng Sherlock Jr. lalo na’t nalalapit na rin ang petmalung pagtatapos nito.

Mapagtagumpayan kaya nina Pido, Jack at ng kanyang sidekick na si Siri the wonder dog ang mga bagong pagsubok na haharapin nila? ‘Yan ang abangan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending