Julio Diaz, personal driver arestado sa buy-bust operation | Bandera

Julio Diaz, personal driver arestado sa buy-bust operation

Ervin Santiago - April 20, 2018 - 12:49 PM

ARESTADO ang aktor na si Julio Diaz sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa Meycauayan, Bulacan kanina.

Ayon sa ulat, kasama ring naaresto ng otoridad ang driver ni Julio (Mariano de Leon sa tunay na buhay), sa loob mismo ng kanyang bahay sa Barangay Langka sa naganap na buy-bust operation.

Sa isang panayam sinabi ng aktor na hindi niya alam kung bakit natukso uli siyang gumamit ng droga.

“Ako ay nahuli sa isang bisyo. Sa aking pagkakaintindi maaaring gumamit ako pero hindi ito isang bisyo na nilamon ako…ng droga,” ang sabi ni Julio sa nasabing interview.

Nag-sorry din ang aktor sa kanyang pagkakamali, at hindi raw niya alam kung ano ang gagawin niya matapos siyang maaresto.

“Kung maaari tigilan na natin ito talaga. Ayaw ko na talaga. Ayaw ko na itong pakiramdam na ganito na umaabot sa ganito. Ako lang naman ay gumamit lang kung minsan at bakit itong kung minsan na ito ay bakit naging demonyo talaga, tukso,” sabi ng aktor sa panayam ng ABS-CBN.

Aniya pa, “Bahala na ang Diyos…Hindi ko na alam. Nagdadatingan yung demonyo ng tukso.”

Nakasali si Julio sa teleserye ni Coco Martin na FPJ’s Ang Probinsyano at huling napanood sa pelikula rin ni Coco na “Ang Panday” na nakasali sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Napapanood din si Julio sa Kapamilya series na Asintado.

Noong 2016 sumailalim ang aktor sa surgery dahil sa brain aneurysm.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending