BAKIT nga ba hindi pwede ang women’s basketball sa Asian Games?
Ako naman ay nagtatanong lang.
Nabalita na kasi na binigyan na ng go signal ng Philippine Olympic Committee (POC) na bumuo ng national team sa women’s volleyball na hahawakan ni De La Salle coach Ramil de Jesus para sa 2019 Asian Games sa Indonesia.
‘Yun nga lang at halos kalahati lang ang nakasipot sa unang tryout na tinawag para pagpilian. Sa tingin ko ay naapektuhan ng pulitika sa volleyball sa pagitan ng Philippine Superliga (PSL) nina Tats Suzara at Philip Juico at ng Premier Volleyball League ng grupo ni Ricky Palou.
Pumunta sa tryout sina Alyssa Valdez, Kim Fajardo, Dawn Macandili, Majoy Baron, Ara Galang, Kim Dy, Maika Ortiz, Jia Morado, Sisi Rondina, Kim Dy at ang magkapatid na sina Jaja Santiago at Dindin Manabat.
Sana lang ay dumating sa mga susunod na tryout ‘yung iba pang pamilyar na pangalan sa women’s volleyball katulad ni Abby Maraño.
Fan ako ng women’s volleyball at siyempre natutuwa ako na mabibigyan ng pagkakataon na makasali tayo uli sa event na ito sa Asian Games level na kung saan makakaharap natin ang ilang world-class teams tulad ng Japan, China, Korea at Iran.
Pero kung pagbabasehan ko ‘yung last year’s Asian Club level championship dito na ang team natin ay talaga namang binuo ng “who’s who” sa Philippine women’s volleyball at may reinforcements pa like Lindsay Stalzer at hindi pa rin tayo pumasok sa top 5, aba, tall order itong Asian Games para kay Ramil.
Kung talaga naman na gusto nating umangat tayo sa kahit na anong sport, dapat lang na lumaban tayo sa mas malalakas na teams, pero huwag muna tayong umasa na magkaka-medalya tayo this year, malabong mangyari ‘yan sa ngayon.
Pati nga sa SEA Games noong 2015, hindi rin tayo naka-podium finish, e mas matitindi ngang teams ang makakaharap natin sa Asian Games.
Ang ipinapadala natin sa mga ganitong klaseng tournament ay ‘yung may chance na magkamedalya pero paano nga tayo aabot sa ganung level kung hindi tayo sasali sa iba pang malalakas na tournaments abroad?
At dahil nga dito, may nagtanong sa akin na bakit daw ang women’s basketball ay hindi rin binibigyan ng pagkakataon na sumali sa Asian Games lalo na nga kung pareho lang na hindi aasahang mananalo ng medalya tulad ng women’s volleyball. Bakit hindi na lang daw mag-invest for the future bilang konsiderasyon.
Hindi ko alam kung budgetary constraints ang dahilan o dahil nga ang objective ay magpadala lamang ng may tsansang magkamedalya sa Asian Games o dahil nga mataas ang popularity ng women’s volleyball dito samantalang ang women’s basketball ay hindi pa sikat.
Pabor ako na sumali tayo sa women’s volleyball kahit na nga hindi ako aasa na mag-podium finish tayo dun.
Pero pabor din ako na bigyan din ng pagkaka-taon ang mga Pinay cager na makasali roon.
Bigyan natin ng sapat na tulong sa paghahanda ang team at huwag ‘yung basta mapadala lang.
Ganun naman kasi talaga.
Kailangan ng kahit anong team sa kahit anong sport, dapat may suporta sa training kasama na ang exposure abroad, otherwise, uuwi lang talaga ang mga atleta natin na luhaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.