NAG-sorry na si Vice President Leni Robredo hinggil sa kontrobersyal na photo niya kasama ang ilang miyembro ng Liberal Party sa Holocaust Memorial sa Germany.
“Gusto kong mag-apologize for offending sensitivities sa mga post. Ano naman, there was no excuse. While there was no malice in it, ano pa rin, I take full responsibility kaya I would like to apologize for whatever offense to sensitivities (it caused),” sabi ni Robredo sa isang ambush interview sa Asian Forum sa Enterprise for Society (Afes) 2018 sa Pasay City.
Nauna nang binatikos ng mga netizen ang litrato na ipinost ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat sa kanyang Twitter account dahil sa kawalan umano ng respeto sa mga biktima ng Nazi genocide sa Europe noong World War II.
Makikita sa larawan na nakaupo si Robredo sa isang slab at nakangiti, gayon din ang ilan niyang mga kasamahan na mambabatas mula sa Kamara at Senado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.