Vice sa bashers ng PGT finalist: Dunung-dunungan…sira-ulo ba kayo?
MARAMI ang pumalag nang pumasok sa Pilipinas Got Talent semi finals si Joven Olvido.
Pero sa kanyang semi-final round performance ay pinahanga niya ang mga judges lalo na si Vice Ganda.
“Kailagan ng mundo ng maraming magpapatawa, and that is the very reason kung bakit namin pinayagang makapasok ito sa semifinals. ‘Yung mga taong masyadong dunung-dunungan na bakit daw pumasok ka, [na] ang daming mas magagaling, mga siraulo ba kayo?
“Ang pagpapatawa ay isang mahirap na art at trabaho at isang mahusay na talent,” depensa ni Vice kay Joven who‘s vaping skills audition has garnered 19,990,696 views.
Sa kanyang semi-finals performance ay ginawan ng parody ni Joven ang spiral pole dancing ni Kristel de Katalina, ang pull-up bars performance ng Bardilleranz at at kuwelang lip-sync act ni Orville Tonido.
With that, sobrang na-impress si Vice kaya sinabi niya kay Joven na bibilhan niya ito ng tricycle. Naiyak si Joven sa sobrang tuwa.
q q q
Kuwela ang sagot ni Mona (Jodi Sta. Maria) na nagpapanggap na si Lisa sa isang eksena sa Sana Dalawa Ang Puso.
Natanong kasi siya kung paano ide-describe ang relationship nila ni Martin (Richard Yap) nang um-attend sila ng marriage seminar. “Ang relationship namin ay parang ano, sabong,” sagot ni Mona.
“Sabong kasi tumataya ka pero hindi mo alam kung mananalo ka o matatalo. Hindi naman importante kung matalo ka kasi sugal siya. Ang importante, nag-alaga ka, nagmahal ka ng manok mo, pinaghirapan mo ‘yun. At ‘yung manok mo mahal mo ‘yun hanggang kamatayan,” paliwanag ni Mona.
“Sabong? Ano’ng alam mo sa sabong” tanong ni Martin kay Mona, este Lisa.
Naku, mukhang unti-unti nang mabubuking na si Mona ay hindi naman talaga si Lisa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.