Sylvia waging best actress sa 20th Gawad Dangal | Bandera

Sylvia waging best actress sa 20th Gawad Dangal

Reggee Bonoan |April 16,2018
facebook
share this

Sylvia waging best actress sa 20th Gawad Dangal

Reggee Bonoan - April 16, 2018 - 12:20 AM

 

SA gaganaping 20th Gawad Dangal ng Pasado sa Mayo 19, pararangalan si Sylvia Sanchez bilang Best Actress para sa panghapong serye na Hanggang Saan sa ABS-CBN.

Hindi alam ni Ibyang na siya ang mananalo kaya panay ang tanong sa amin kung saan namin nakuha ang balita, sabi namin may mga lumabas na sa social media.

Sakto naman na kaarawan din ng aktres sa Mayo 19 kaya magandang birthday gift ito para sa kanya.

Matatandaang umani rin ng kaliwa’t kanang tagumpay ang serye ni Ibyang na The Greatest Love last year kung saan halos lahat ng award giving body ay siya ang tinanghal na Best Actress.

Abala ngayon ang aktres sa promo shoot ng Hanggang Saan sa iba’t ibang probinya tulad sa Bataan at nitong huli ay sa Tarlac sila nagpunta para sa Magandang Buhay episode na mapapanood ngayong umaga.

Busy din siya sa kaliwa’t kanang meet and greet sa pagbubukas ng Beautederm Clinic sa iba’t ibang probinsya. Katatapos lang ng event nila sa Ilagan, Isabela. Magbubukas din ang Beautederm Clinic sa Hongkong next month.

Samantala, ilang linggo na lang at magtatapos na ang Hanggang Saan kaya panay-panay ang taping ng buong cast. Kaabang-abang ang mga nalalabing episodes dahil maski nakakulong si Jacob (Ariel Rivera) ay marami pa rin siyang tauhan sa labas para patayin ang pamilya ni Sonya (Sylvia) kasama sina Anna (Sue Ramirez), Paco (Arjo), yaya Letty (Ces Quesada), Domeng (Yves Flores) at iba pa.

Hindi naman binanggit sa amin ni Ibyang kung anong pelikula ang gagawin niya this year pero ang sinigurado niya, “True to life story ito!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending