Young actor mawawalan ng dyowa dahil sa sobrang kasipagan | Bandera

Young actor mawawalan ng dyowa dahil sa sobrang kasipagan

Reggee Bonoan - April 16, 2018 - 12:15 AM

 

NANGANGAPA sa dilim ngayon ang isang young actor dahil hindi niya alam kung sila pa rin ng kanyang girlfriend o hindi na matapos silang magkaroon ng matinding away.

Abala ngayon ang young actor sa taping kanyang teleserye samantalang ang non-showbiz girlfriend niya ay may trabaho sa araw kaya hindi magtagpo ang mga oras nila.

Hindi naman clingy ang non-showbiz GF ni young actor pero ang gusto niya kapag may bakanteng oras ang boyfriend ay mag-effort naman sana para magkita sila at mag-bonding.

Ang kuwento ng aming source, “Si ____ (young actor), kapag walang taping, natutulog, bumabawi siyempre sa puyat. Yung girlfriend nagtatampo, hindi niya maintindihan ang buhay showbiz kasi first time niyang magkadyowa ng artista. Hindi naman siya sanay sa kultura sa showbiz.

“’Yung past two boyfriend kasi ng girl pareho niyang kaklase noong estudyante pa sila at iisa ang hilig nila, sports kaya nagkakasundo. Malaking adjustment ang ginagawa niya sa bago niyang BF.

“As of now, hindi ko alam kung magkakasundo pa kasi base sa kuwento ng girl do’n sa isa naming kaibigan, hindi siya nagkuwento sa akin kasi alam niyang close ako kay ____ (young actor), malabo nang magkabalikan.

“Sabi ko nga do’n sa common friend namin, sayang naman, ang tagal na nila. Dapat mag-usap muna sila,” sabi pa ng aming source.

Magandang impluwensiya ang non-showbiz girl sa young actor dahil naging seryoso na siya sa buhay bukod pa sa professional na rin siya sa trabaho kumpara noon na parating late sa taping at hindi pa memorize ang script.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending