Lovi baklang-bakla sa US at Canada, bentang-benta sa OFWs
UMABOT hanggang New Jersey at Toronto, Canada, ang pagiging babaeng bakla ni Lovi Poe. ‘Yun kasi ang tingin sa kanya ng viewers ng kinabibilangan niyang GMA series na The One That Got Away.
Sa opening spiels pa lang sa show ay agad siyang sumigaw ng, “Hoy, mga bakla!” na pinalakpakan naman ng audience.
“’Yung mga tao doon, ang tawag sa akin ay bakla! Hi, bakla. So pag ginagamit ko siya on stage pag nag-i-spiels ako, and when I say, bakla, tumatawa sila. Kahit sa Amerika!
“Tapos, sa Meet and Greet, ‘Hi, Alex! Hi, bakla! Hahalu-halukim, Alex!’ Ganu’n,” chika niya nang pasyalan ng press sa taping.
Pati ang meaning ng salitang beki na “borta” eh, nalaman lang ni Lovi nang gamitin niya ito sa kanyang mga dialogue naughty primetime series ng GMA.
Hindi expected ng Primera Aktresa na tatanggapin ng manonood ang team up nila ni Dennis Trillo sa TV. First time nilang magtambal sa isang Kapuso series pero nagsama na sila sa pelikulang “My Neighbor’s Wife” ng Regal Entertainment.
“Ang tagal na nu’n. So ngayon, everything is fresh and brand new!” bulalas niya.
Teka, bakit nga pala sa beach scene sa TOTGA eh ipinaubaya niya kay Rhian Ramos ang walang pakundangang pagpapaseksi sa suot nitong two-piece bikini habang siya eh, maong shorts at blouse na hindi kita ang cleavage?
“Eh sa IG (Instagram) ko naman, du’n ako todo paseksi. Iniba ko naman ‘yung dating ko sa series. Baka sumobra na! Ha-hahaha! Just kidding!” rason ni Lovi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.