Aiko mas pinili ang Bagani kesa sa offer ng GMA | Bandera

Aiko mas pinili ang Bagani kesa sa offer ng GMA

Ervin Santiago - April 14, 2018 - 12:20 AM

AIKO MELENDEZ

BUKOD sa pagpasok ni Kristine Hermosa sa Bagani, mapapanood na rin si Aiko Melendez sa fantasy series nina Liza Soberano at Enrique Gil sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Pagkatapos ngang maghasik ng kasamaan sa Wildflower, mapapasabak naman sa aksyon si Aiko bilang si Matadora na kabilang sa mundo ng Matutulis.

“Maaksiyon siya at saka makikita nila ang ibang klaseng Aiko Melendez na sana maitawid ko talaga kasi kinakabahan ako before I accepted Bagani, kasi action ito! In my 30 years in show business, ngayon lang ako gagawa ng fantaserye na action sa TV,” sabi ng aktres.

Inamin din ni Aiko na mas pinili niya ang Bagani kesa sa offer ng GMA, “Oo, sabay na sabay, Bagani and then yung offer ko sa kabila. But then, I opted to stay with Kapamilya nga dahil ang ganda ng Bagani.”

Bukod dito, personal choice raw talaga siya ng mga bossing ng ABS-CBN para sa role, kabilang na sina Malou Santos at Olive Lamasan. “Kaya kahit ano pa ang offer ng kabila, ito ‘yung tinanggap ko kasi the project itself is very big so I feel so blessed na sinama ako dito.”

Naikuwento pa nga ni Aiko sa ginanap na mediacon kamakailan para sa pagpasok ng mga bagong karakter sa Bagani, ang tungkol sa blooper niya sa first taping day niya.

“Actually, may blooper nga ako noong first day kasi habang inaano ko, may hinahampas ako ng tali. Sabi ko noong first day taping ko, dahil nga wala akong masyadong pahinga from Wildflower, sabi ko, ‘Wala kang kwenta! Dapat sa ‘yo, pinatay na kita! Stupid!'”

“So naninibago ako! But you know, I’m really blessed to be working with Direk Richard Arellano and Direk Lester Pimentel. Hindi talaga nila ako tinigilan hanggang hindi ko nawawala yung sosyal role ni Emilia sa Wildflower,” sey pa ni Aiko.

Napapanood pa rin ang Bagani sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending